IKAW PA RIN..
Mula ng ika'y nakita at nasilayan,
Kailanma'y 'di na nawala sa isipan.
Tuwing ikaw ay aking pinagmamasdan
Tila isang bituing sa gabi nasusulyapan.
Ikaw ay aking ginawang inspirasyon
Isang gabay tungo sa aking ambisyon
Mahalin ka man ng may mga kondisyon
Pag-ibig ko, sa'yo pa rin paroroon.
Nagawa kong maging batang matalino
Maganda rin sa mata ng mga tao .
Sila ma'y tutol sa pag-ibig ko sa'yo,
Patutunayan kong ito ay totoo.
Kung mawala ka man sa aking paningin,
Bulong at sigaw ng puso'y ikaw pa rin.
Pagmamahal ko sa iyo'y totoo at buong-buo
At kailanma'y 'di ito magbabago.
Image source:
http://farm6.static.flickr.com/5218/5407733044_bfd183720a.jpg
nce blog and pic.
ReplyDeletesana friends tau lage...ingat lge...acheche
oh sure..:D
ReplyDelete