Gumising ka Juan!
Sadyang nakasisilaw ang ginto
Limpak-limpak na salapi't luho
Lakbay doon, lakbay dito
Iikutin ko ang buong mundo.
Ang buhay ay kay saya-saya
Kung walang inaalalang iba
Pera ng bansa'y pera ko na rin
Lahat ng kanila'y aking aangkinin.
Natulog ako sa bahay kong napakaganda,
Pagmulat ko, ako'y nasa selda
Madilim, masikip at tahimik
Binabantayan pa ng mga guwardiyang matitinik.
Pagmulat kong muli, ako'y nasa kwarto
Kwartong napupuno ng maraming tao.
Nandoon ang mga taong nasa matataas na posisyon
Kaliwa't kanan, ako'y kinukwestiyon.
Sa bawat tanong, ako'y umiiwas
Iniingatan ang bawat salitang nilalabas.
Pilit tinatago ang mga sagot,
Na kung lumabas, ako'y mananagot.
Ayoko! Ayokong makulong! Ayoko!
Paano na ang aking mga pera't ginto?
Mawawala lahat ng aking kayamanan
Kung ako'y magsasabi ng katotohanan.
Hoy! Juan! Gumising ka!
Gumising ka't imulat ang mga mata!
Isang hangal ang humngad ng sariling kasiyahan
Kapalit sa katotohanang asam ng kababayan.
Pera mo'y pera ng lahat, pera ng bansa
Perang yaon ay pinaghirapan ng bawat isa.
Ng bawat Pilipinong umaasam ng kasaganaa't pagbabago
ng bansang minahal ng bawat puso.
Darating ang panahon na ika'y papanaw
Mawawala sa mundong ibabaw.
Hahayaan o bang ika'y mamamatay
Na sa bansa'y walang naibigay.
Mabuti ng mamatay na sa mukha'y may malapad na ngiti
Kaysa mamatay na puso'y puno ng pagsisisi.
Pagsisising hindi nakatulong sa kapwa
Sa pagbabago't katotohanang nais ng bansa.
Ang mga pahayag mo'y mga sagot
Para maituwid ang daang baluktot
Na gawa ng ilan sa mga may posisyon.
Lahat ng ito'y atin nang ipangsitapon.
Kaya't ilahad ang katotohanan
Para kapayapaan ay makamtan.
Linisin ang iyong kalat
Para sa ikatatahimik ng lahat.
Gawin mo ito para sa bansa para kahit mamatay ka man, alam mong nakatulong sa bansa. Ang mga sagot mo'y mahalaga at makapagbabago sa pulitika ng ating bansa. Maari na nating ilabas sa bahay ang mga taong nasa matatas na posisyon na naging sangkot sa pagkawala ng pera ng mga Pilipino. Iyan ang pinakamagandang bagay na maaring maidulot ng mga sagot mo. Opinyon ko lang po ito, sana'y respetuhin mo. Ako ay isa sa mga taong umaasam ng pagbabago at kasaganaan para sa bansa. Bilang isang kabataang nagmamahal sa aking bansa, katotohanan para sa kasaganaan ng Pilipinas ang nais ko :)

No comments:
Post a Comment